
Basha: Hindi masama yung loob ko. Okay nga lang ako.
Popoy: Ayan ka na naman…
Basha: Ano na naman ako!
Popoy: Ayan, ganyan. Sasabihin mo walang problema pero meron naman pala.
Basha: Wala naman talaga e.
Popoy: Bash! Pano ko maaayos ang problema kung di mo sasabihin sakin? Kung hindi ko alam?
Basha: Poy, hindi lahat ng problema kaya mong ayusin. And believe me hindi mo gustong malaman kung ano yung problema ko.
Popoy: E ano nga kasi ang problema?
Basha: Gusto mo ba talagang malaman? Ako! Ako ang problema! Kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin ang sakit na nararamdaman ko… kasi ako yung humiling nito, diba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko na lang sabihin sayo na… masaya ako para sayo. Para sa inyo. Sana kaya ko… Sana kaya ko. Pero hindi e. Ang sama-sama kong tao. Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mong… sana ako pa rin… ako na lang… ako na lang ulit.
Popoy: Mahal ko si Trisha.
Basha: Alam ko. Alam ko…
Popoy: She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang lahat ng yon.
Basha: Popoy, yan ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
Popoy: And you chose to break my heart.